Tagalog news: Kagawaran ng Edukasyon sa Cordillera handa na sa K to 12

by Mari Cruz

 

BAGUIO CITY, Mayo 29, (PIA)- - Inihayag ng Kagawaran ng Edukasyon sa Cordillera na nakahanda na ang mga silid aralan na gagamitin ng mga estudyante na papasok sa Kindergarten para sa opisyal na implementasyon ng K to 12 basic education.

 

 

Sinabi ni Assistant Regional Director Teresita Velasco ng Department of Education (DepEd) na maliban sa mga silid aralan, ay may sapat na ring guro na magtuturo sa mga paslit.

Ayon kay Velasco mahigit isang taon ding pinaghandaan ng kagawaran ang pagpapatupad ng bagong kurikulum.

 

Mahigit sa dalawampu’t dalawang libong kinder ang papasok sa mga pampublikong paaralan sa boung rehiyon ngayong taon.

 

Inihayag pa ni Velasco na sa susunod na taon ay ipapatupad na rin ang anim na taon sa high school. Aniya sa bagong kurikulum, magkakaroon ng apat na taon na junior high school at dalawang taon naman na senior high school.

 

Samantala, may mahigit tatlong daang libo naming estudyante sa elementary at sekondarya ang inaasahang magdadagsa sa mga pampublikong paaralan sa boung rehiyon sa darating na Hunyo 6, 2011

 

Kabilang sa mga ito ang 217,472 mula sa elementary at 221,755 sa sekondarya. *(JDP/MC–PIA CAR)

 

© 2007-2012 Baguio News- Baguio and Cordillera News Updates, www.baguionews.net

Joomla Templates by JoomlaShack